PANIMULA/KALIGIRAN
Ang
pagkakaroon ng wikang pambansa ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo ay may
sariling bansa ika nga eh “tumayo tayo mag-isa na hindi kailangan ang
kolonisasyon ng ibang banyagang bansa”. Kaya tayo ngayon ay unti-unti nang
umuunlad, sa pag-unlad ng ibat-ibang aspeto ng isang bansa. Sa pagbago ng
panahon ang ating sariling wika ay nababago na din sa aspetong modernong
panahon at teknolohiya, dahil na rin sa paraan ng pakikipag-ugnayan at
pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Isa na
rito ang ekonomiya ng bansa na hindi uunlad kung ang bawat isa ay hindi
nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay
patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan
upang mas mapadali ang pag bigkas o paggamit nito sa pakikipag-ugnayan.
Halimbawa na lang ng pagpapalawak ng bokabularya o paggamit ng akronim o isang paraan
ng paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang
kapalit ng salita. Sa paraang ito ang mga makabagong salita na gumagamit noong
unang panahon ay mas madali nang gamitin at mas magandang bigkasin at
pakinggan.
Ito
ang isang paraan para maipakita na kahit nagbago na ang panahon maging ang
teknolohiya lahat magbago man pero ang sariling wika kailanman ay hindi kayang
baguhin.
MUNGKAHING TITULO O
PANGALAN NG GAWAIN
WIKA: SAGOT SA NAGBABAGONG TEKNOLOHIYA
Ito
ang aming naging mungkahing titulo sapagkat ito ay isang paraan upang maipakita
at malaman ang mabuti at masamang impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa
aming mag-aaral at palawakin ang aming isipan na maaaring makahanap ng mabisang
paraan sa kung sino ang makikinabang , kami
lang bang mga kabataan o lahat ng tao sa Pilipinas kundi maging sa buong
mundo. Ang wika ay nagbabago maaring sa
dami ng dahilan o iniisip pwedeng berbal, pormal, o kolokyal man. Wikang
Filipino sa panahong mistulang nilulunod ng teknolohiya ay isang di napapansing
hamon. Alam at nararanasan natin ang mga pagbabagong idinudulot ng panahong
ito. Ang panahong laganap ay sensibilidad na nakasentro sa Computer Technology
at Internet. Kailangang malinang ang mga kabataan na hindi dapat nakatuon ang
isip lalo na ang pag-aaral sa mga teknolohiyang modernong magbabago sa pagkatao
ng isang kabataan kundi maisip din na kailangang pairalin pa rin ang
maka-Pilipino.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA
LAYUNIN
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw
nang mga mag-aaral sa Filipino1 sa patuloy na pag-unlad ng wika sa nakalipas na
panahon. Ang wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa maging nang mga tao sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalstasan ng bawat
mamamayan. Sa pagdami ng makabagong “Social Network” ika nga dumarami na rin
ang mga iba’t – ibang paraan para sa pakikipagkomunikasyon. Ito pa tin ang
napakahalaga an gating wika, dahil kung wala ito hindi unlad ang isang bansa
kung walang pagkakaisa.
Sa makabagong henerasyon, mababatid natin ang mabilis na epekto
ng teknolohiya sa ating buhay maging sa ating nakasanayang wika. Naririyan ang
mga samu’t saring makabagong salita na tinatawag nilang “Slang word” sa
salitang ingles tulad na lamang ng salitang “selfie” na laganap sa social
media. Hindi man ito nakalahad sa diksyunaryo ngunit sa tulong ng mga
“software” o “application” pangsalin ng salita na naka-install sa ating ginagamit
na teknolohiya agad malalaman ng gumagamit ang kahulugan nito. Sa kabuan ng
pagsasaliksik na ito, minimithi namin na bigyan kahulugan ang teknolohiya sa
ating wika kung paano ito nakakaapekto at gamiting ng wasto di lamang sa
pagdiskubre ng ibat’t-ibang mga bagong salita gayun na din kung paano gamitin
sa ang teknolohiya sa pakikikipagkomunikasyon.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang ipaalam ang
impluwensiya ng makabagong teknolohiya ng mga gadgets, ng mga “social network”
sa pagsulong ng mga Pilipinong mahilig gumamit ng teknolohiya lalo na sa
henerasyong ngayon, at ilahad ang maidudulot ng makabagong teknolohiya sa
pagbibigay ng importansya at atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Sa panahon
at kung paano ito unti-unting nagbago sa mga teknolohiya na siyang tumutulong
sa pagbago ng modernong panahon. At para malaman ang pananaw ng mga mag-aaral
sa Filipino. Ang pagtuunan namin ng mga impormasyon at iba pang kinakailangan
na impormasyon. Upang mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng boses ang mga
kabataan na maipakita ang tunay na damdamin sa kung ano ang nabibigay sa kanila
ng makabagong teknolohiya sa kanilang buhay pakikipag-ugnayan.
DISENYO
NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Ang
wikang Filipino ay tinatawag na pagbabago at paglinang nito gamit ang teknolohiya.
Hindi lamang ginagamit ang wikang Filipino sa pagsulat sa mga aklat, panitikan
at iba pa. Gaya ng Google o Internet ginagamit ito upang makakuha ng ideya o kaalaman. Madidiskubre
natin na ginagamit na din ng Google ang salitang Tagalog o Filipino sa pagsasalin
ng salita mula sa Ingles, Facebook. Mula sa aming
naisip na blog, inimumungkahi namin ang proseso ng paggamit ng survey .Ang mga tanong ay nakabase sa
sakop ng teknolohiya. Ang aming magiging basehan sa mga sagot ay ang mga
mag-aaral sa Dela Salle Lipa .Mula sa malilikom na sagot , amin itong
pagsasamahin at ang magiging resulta ay ipapakita sa buong klase . Nakatuon dito
ang pursyento ng kabuuang sagot ng bawat aspeto ng mga estudyante ukol laganap
na teknolohiya.
Ang iba't - ibang ginagamit sa Pagbabago ng Wika ay :
1. Facebook
2. Google
3. Skype
4. Safari
5. Opera
6. Twitter
7. We Chat
8. Chikka
9. Kakaotalk
10. Viber
11. Messenger
12. Line
13. Imo
14. Lotus Note
15. Outlook
16. Bing
17. WhatsApp
18. Tinder
19. Yahoo
20. Gmail
21. Instagram
22. Tumblr
23. YouTube
24. Mozilla Firefox
25. Google Chrome
26. Internet Explorer
27. FaceTime
28. SnapChat
29. Hangouts
30. GoSms Pro
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA