Monday, September 14, 2015


PANIMULA/KALIGIRAN

 

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo ay may sariling bansa ika nga eh “tumayo tayo mag-isa na hindi kailangan ang kolonisasyon ng ibang banyagang bansa”. Kaya tayo ngayon ay unti-unti nang umuunlad, sa pag-unlad ng ibat-ibang aspeto ng isang bansa. Sa pagbago ng panahon ang ating sariling wika ay nababago na din sa aspetong modernong panahon at teknolohiya, dahil na rin sa paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.

 

 

Isa na rito ang ekonomiya ng bansa na hindi uunlad kung ang bawat isa ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapadali ang pag bigkas o paggamit nito sa pakikipag-ugnayan. Halimbawa na lang ng pagpapalawak ng bokabularya o paggamit ng akronim o isang paraan ng paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sa paraang ito ang mga makabagong salita na gumagamit noong unang panahon ay mas madali nang gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan.

 

 

Ito ang isang paraan para maipakita na kahit nagbago na ang panahon maging ang teknolohiya lahat magbago man pero ang sariling wika kailanman ay hindi kayang baguhin.




MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

WIKA: SAGOT SA NAGBABAGONG TEKNOLOHIYA

Ito ang aming naging mungkahing titulo sapagkat ito ay isang paraan upang maipakita at malaman ang mabuti at masamang impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa aming mag-aaral at palawakin ang aming isipan na maaaring makahanap ng mabisang paraan sa kung sino ang makikinabang , kami  lang bang mga kabataan o lahat ng tao sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.  Ang wika ay nagbabago maaring sa dami ng dahilan o iniisip pwedeng berbal, pormal, o kolokyal man. Wikang Filipino sa panahong mistulang nilulunod ng teknolohiya ay isang di napapansing hamon. Alam at nararanasan natin ang mga pagbabagong idinudulot ng panahong ito. Ang panahong laganap ay sensibilidad na nakasentro sa Computer Technology at Internet. Kailangang malinang ang mga kabataan na hindi dapat nakatuon ang isip lalo na ang pag-aaral sa mga teknolohiyang modernong magbabago sa pagkatao ng isang kabataan kundi maisip din na kailangang pairalin pa rin ang maka-Pilipino.

 


RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw nang mga mag-aaral sa Filipino1 sa patuloy na pag-unlad ng wika sa nakalipas na panahon.  Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging nang mga tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalstasan ng bawat mamamayan. Sa pagdami ng makabagong “Social Network” ika nga dumarami na rin ang mga iba’t – ibang paraan para sa pakikipagkomunikasyon. Ito pa tin ang napakahalaga an gating wika, dahil kung wala ito hindi unlad ang isang bansa kung walang pagkakaisa.

Sa makabagong henerasyon, mababatid natin ang mabilis na epekto ng teknolohiya sa ating buhay maging sa ating nakasanayang wika. Naririyan ang mga samu’t saring makabagong salita na tinatawag nilang “Slang word” sa salitang ingles tulad na lamang ng salitang “selfie” na laganap sa social media. Hindi man ito nakalahad sa diksyunaryo ngunit sa tulong ng mga “software” o “application” pangsalin ng salita na naka-install sa ating ginagamit na teknolohiya agad malalaman ng gumagamit ang kahulugan nito. Sa kabuan ng pagsasaliksik na ito, minimithi namin na bigyan kahulugan ang teknolohiya sa ating wika kung paano ito nakakaapekto at gamiting ng wasto di lamang sa pagdiskubre ng ibat’t-ibang mga bagong salita gayun na din kung paano gamitin sa ang teknolohiya sa pakikikipagkomunikasyon.
                                              

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang ipaalam ang impluwensiya ng makabagong teknolohiya ng mga gadgets, ng mga “social network” sa pagsulong ng mga Pilipinong mahilig gumamit ng teknolohiya lalo na sa henerasyong ngayon, at ilahad ang maidudulot ng makabagong teknolohiya sa pagbibigay ng importansya at atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Sa panahon at kung paano ito unti-unting nagbago sa mga teknolohiya na siyang tumutulong sa pagbago ng modernong panahon. At para malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang pagtuunan namin ng mga impormasyon at iba pang kinakailangan na impormasyon. Upang mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng boses ang mga kabataan na maipakita ang tunay na damdamin sa kung ano ang nabibigay sa kanila ng makabagong teknolohiya sa kanilang buhay pakikipag-ugnayan.








DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
  

Ang wikang Filipino ay tinatawag na pagbabago at paglinang nito gamit ang teknolohiya. Hindi lamang ginagamit ang wikang Filipino sa pagsulat sa mga aklat, panitikan at iba pa. Gaya ng Google o Internet ginagamit ito upang makakuha ng ideya o kaalaman. Madidiskubre natin na ginagamit na din ng Google ang salitang Tagalog o Filipino sa pagsasalin ng salita mula sa Ingles, Facebook. Mula sa aming naisip na blog, inimumungkahi namin ang proseso ng paggamit ng survey .Ang mga tanong ay nakabase sa sakop ng teknolohiya. Ang aming magiging basehan sa mga sagot ay ang mga mag-aaral sa Dela Salle Lipa .Mula sa malilikom na sagot , amin itong pagsasamahin at ang magiging resulta ay ipapakita sa buong klase . Nakatuon dito ang pursyento ng kabuuang sagot ng bawat aspeto ng mga estudyante ukol laganap na teknolohiya.

Ang iba't - ibang ginagamit sa Pagbabago ng Wika ay :




                       1.       Facebook
2.       Google
3.       Skype
4.       Safari
5.       Opera
6.       Twitter
7.       We Chat
8.       Chikka
9.       Kakaotalk
10.   Viber
11.   Messenger
12.   Line
13.   Imo
14.   Lotus Note
15.   Outlook
16.   Bing
17.   WhatsApp
18.   Tinder
19.   Yahoo
20.   Gmail
21.   Instagram
22.   Tumblr
23.   YouTube
24.   Mozilla Firefox
25.   Google Chrome
26.   Internet Explorer
27.   FaceTime
28.   SnapChat
29.   Hangouts
30.   GoSms Pro

 BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

 


 Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapaunlad ang wikang Filipino. Mas maaapektuhan ang ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika, mas maraming makikinabang ang mga tao at lalo na kaming mga kabataan, na naniniwala na ang teknolohiya ang pinakaunang “factor” sa pagbabago  ng wika, at  sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad ng wika. Mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang paggamit ng wika sa transaksyon ng ekonomiya upang mahikayat sa pakikipagtalastasan at pagpapaunlad ng sariling wika gamit ang makabagong teknolohiya. Inaasahan namin na marami ang makikinabang nito di lamang kami kundi ang mga kabataang nasa isip, gawa at puso pa rin ang pagiging maka PILIPINO.

No comments:

Post a Comment